Total Pageviews

Monday, March 26, 2012

Ang Pagtatapos

larawan sa grasslandia,..... 
     Masaya na malungkot ang araw ng aming pagtatapos. Mahabang panahon din na kami ay magkakasama, halos sa araw-araw na ginawa ng Diyos, kalahati noon ipinamamalagi na namin sa pamantasan. Gala dito, gala doon,..... minsan nga yung ibang magulang nagtatanong na kung border na lang ba kami sa bahay di kaya siguro may mga syota kami na kinakatagpo. Pero heto't tapos na kami sa buhay kolehiyo, tapos na yung mga araw na magpupuyat kami dahil sa research/thesis, assignments, lesson planning at kung ano-ano pa na ginawa kaming parang mga zombie.
     Bukas makalawa, tatahakin na namin ang kanya-kanyang landas ng buhay. Gagawa ng sariling pangalan (sana) sa larangan ng edukasyon at kung saan pa mang larangang napili. Ang hamon naman ngayon ay maging matagumpay kami sa aming piniling bokasyon at sabi pa nga ni Rev. Flores, "be faithful to your first and true vocation". 



2 comments: