Total Pageviews

Saturday, February 4, 2012


A national Policy study on Child Labor and Development in the Philippines
By: Fernando F. Aldaba, Leonardo Lanzona, and Ronald Tamangan. 

reviewed by: Jhon Wilfred L. Dela Cruz

Ito ay isang pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies o Surian sa pag-aaral pangkaunlaran ng Pilipinas patungkol sa Child Labour sa ating bansa at kung ano ang mga programang   ginagawa, ginawa, at gagawin ng pamahalaan upang matugunan ang problemang ito.  
“Kabataan ang Pag-asa ng Bayan” ito ang mga katagang sinabi ni Rizal noon. Paano nga ba masasabi na ang isang kabataan ay pag-asa ng ating bayan? Kapag ikaw ba ay nakakatulong sa pag-unlad n gating bayan? Paano naman na ang isang bata ay makakatulong para sa pag-unlad n gating bansa? Ang pagtulong ban a tinutukoy ang ang maagang paglahok sa tinatawag na lakas-paggawa ng bansa?
Isang suliranin na patuloy na kinakaharap ng  ating bansa na bunga ng kahirapan ay ang tinatawag na Child Labour, sa katunayan ang bilang ng mga batang lumalahok sa Chilg labour ay sadyang nakakabahala, dahil taon-taon tumataas ang bilang ng mga batang manggagawa. Sa pag-aaral na ginawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong june 2004 lumabas sa pag-aaral na noong taong 2001 ay umabot sa 4 milyong bata na may edad 5 hanggang 17 taong gulang ang kasama sa child labour.

Mga Salik bakit nagtatrabaho ng maaga ang mga bata   
Ayon sa A national Policy study on Child Labor and Development in the Philippines

Isa sa masasabing ugat ng child labour ay ang kahirapan dahil dito ay napipilitan ang mga bata na magtrabaho ng maaga upang kumita at nagn may ipanggastos sa kanilang pamilya. Dahilan din ng kawalan ng trabaho ng haligi ng tahanan o sino man sa mga magulang ng bata, kaya sa murang isip nito napipilitan na pasanin ng bata ang pagiging bread winner ng pamilya. Isa ding salik ang pagkakaroon ng maraming miyembro ng pamilya na kung saan maaaring ang kita ni itay o ni inay ay hindi na sumasapat para sa kanilang buong pamilya, kaya si anak ay napipilitan na magtrabaho upang makatulong sa mga gastusin ng kanyang pamilya at sumapat ang mga kanilang kinikita para sa kanilang pbuong pamilya. Isa pa sa mga salik ay ang pagiging in demand  ng mga kabataan sa mga impormal na sector na pagawaan o iyong mga pagawaan na hindi nakarehistro sa pamahalaan at hindi nagbabayad ng buwis, dahil sa ang mga bata ay mabilis kumilos, medaling utusan at kontrolin ng kanilang mga amo at higit sa lahat mababa ang presyo ng mga bata pagdating sa sahod na pabor syempre para sa mga nangagapital.
Epekto ng Child Labour
Malaki ang epekto child labour pagdating sa kanilang pisikal, emosyonal at sikolohikal na dimension ng kanilang pagkatao. Sa kabila ng pagiging illegal ng Child labour, ginagawa pa ng mga amo ng mga batang ito na labagin ang mga batas laban sa mga bata. May mga pagawaan na pinagtatrabaho ng walang sahod, pagtrabahuhin ng sobra sobrang oras, kinukulong sa lugar ng oagawaan at hindi pa pinapakain. Dahilan na din ang child labour upang hindi ma-enjoy ng mga kabataan ang kanilanng pagiging bata.

Insights
Sa huling taya ng Philippine Institute for Development Studies noong 2008 ay mayroong 2.4 milyong bata ang kabilang sa child labour, kumpara sa bilang noong 2001 na 4 na milyon, masasabi natin na naging epektibo ang mga programa ng pamahalaan upang labanan ang child labour.
Sa bawat batang nagtatarabaho sa murang eda, nababawasan ang ating bansa ng mga susunod na propesyonal at mga susunod na lider na maaaring makatulong upang umunlad ang ating bayan. Dahil sa maagang pagtatrabaho, maaaring hindi na mabigyan pa ng oportunidad ang batang ito na makapag-aral upang matutunan ang dapat nilang matutunan
Minsan lamang tayong maging bata, at dapat ginagawa natin itong makabuluhan at Masaya, ngunit para sa mga batang maagang nagtrabaho ito na marahil ang isa sa pinakamasaklap na parte ng kanilang buhay ang mapagkaitan ng mga karapatan bilang isang bata.

No comments:

Post a Comment