Sa tuwing manonood ako ng mga drama sa Telebisyon tuwing gabi o maski
sa hapon, napapansin ko na medyo "predictable" o madaling hulaan ang
wakas ng kwento. Oo nga pala, dalawa lang ang pwedeng katapusan,
mamamatay ang bida o mabubuhay siya pero syempre alam na kung ano ang
mangyayari sa kontrabida, HINDI sya magwawagi.
May
karaniwang anyo o pattern sa madaling sabi ang mga kwentong lumalabas sa
telebisyon upang bigyan naman ng excitement ang mga manonood at
mapahaba ang kwento at medyo inisa-isa ko ang sa tingin ko lang naman ay
karaniwang takbo at nangyayari.
1. Ang Patay-Sindi pattern (Liwanag-Dilim-Liwanag)
Napansin ko lang na sa tuwing magsisimula ang kwento, syempre masaya
muna ang mga bida. Hindi magtatagal ay may kung anong mangyayari sa mga
pangunahing tauhan at ang isa sa kanila ay magiging antagonista. Ang
bida ay dadaan sa katakot-takot na pahirap ng antagonista. Pahihirapan
siya ng husto hanggang sa may tutulong sa kanya upang maligtas. Magagapi
nya ang kontrabida at tapos ang kwento. Diba ganun ang Esperanza at
Mara Clara? eh yung Sana ay Ikaw na nga?.
Minsan din ay magulo
ang simula hanggang sa maayos ang lahat at sa bandang huli ay may
lalabas na problema. Abangan ang sunod na kabanata. Ganito ang
karaniwang takbo ng kwento nila kasi nga dapat makikita natin na sa
bandang huli hindi nagtatagumpay ang masama sa mabuti at talagang
nakakarelate ang mga kababayan dito.
2. Nasaan si Basilio blues
Ito pa ang madalas sa mga kwento, nagkakawalaan ng anak ang mga pamilya
o di kaya nagkakapalit dahil sa sakuna o nakatulog yung nanganganak o
di kaya naman ay ninakaw, (Tayong Dalawa, Anakarenina, May Bukas Pa,
Mara Clara, Esperanza, Muling Buksan ng Puso). Syempre lalaki ang
nawawalang anak at malalaman nya ang katotohanan sa kanyang pagkato.
Magsusumikap syang hanapin ang kanyang pamilya na nakakasalamuha nya
lang pala, A small world Indeed!
Karaniwan na ang mga
nawawala at nagkakapalit sa kwento kaya minsan bago naman, nabuntis at
iniwan ang nabuntis. Ang mga ganito naman ay karaniwang nagaganap sa
tunay na buhay kaya medyo madali ding makarelate kumbaga.
3. The Cinderella Story
Ang
mga kwentong mala-Cinderella ay di naman nawawa sa Telenobela. Mga
kwentong binihisan ng bago pero ganoon parin ang takbo, umiikot sa mga
taong magpapaibig sa kanila at kukumpleto sa mga puso nilang nalulumbay
dahil sila ay mga NBSB o NGSB. Karaniwan syempre ay mestiso ang
gumaganap na prince charming para swak sa pagpapakilig sa madla.
Hindi
mawawala ang mga kontrabidang mang-aagaw sa ganitong kwento. Bakit di
kasi nalang pabayaan silang mag-ibigan, kung hindi ang magulang na tutol
sa mga taong nasa tamang edad na ay isang secretly inlove. Patunay lang
siguro na minsan stiff ang competition lalo na kung mayaman,
gwapo/maganda at matalino ang iyong iniirog.
4. The Agawan Blues o Love Triangle Issue
Simula ng pumasok ang mga Asian nobela sa TV, napapadalas na mga kwentong may love triangle ang tema. Si A ay May gusto kay B
na gusto ni C na pwede ring si A at B ay gusto si C pero kailangan ni C
mamila at ang dalawa ay magkaribal sa puso nya, magpapaligsahan ang
dalawa hanggang sa tuluyang makuha ng isa si C. Eto ay medyo nakakakilig
naman talaga kaya naimbento ang mga love team. Kaso dahil sa love team
ay madaling mapredict kung sino ang magkakatuluyan sa huli. Diba?
Sa apat na yan ay may isa dyan na kapansin-pansin sa mga palabas sa
telebisyon. Pero hindi naman lahat sa mga nobela ay may ganoong takbo,
may iilan sa pinilit umiba sa karaniwan kaso bibihira ang nagrerate kaya
nawawala sa ere.
Ang Telenobela ay solusyon sa bumabagsak na
populasyon dahil sa dala nitong romansa sa isipan ng mga manonood. Pero
ngayong madami na ang tao siguro dapat bago naman ang ihaing timpla.
Magkaganoon pa man, hindi lang aliw ng mga palabas sa Telebisyon ang
hatid nito sa tao kundi ang maaaring dulot nito sa kultura at pamumuhay
ng tao dahil madalas sa minsan ay sinasalamin nito ang lipunan sa
niromansang paraan.
No comments:
Post a Comment