Total Pageviews

Monday, July 1, 2013

A random stranger from somewhere in Manila msg me: Meron bang nakatakda para sa akin?

      Sabi sa census may mahigit 11 milyon na ang tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sayo? Maaring nakita mo na siya pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. Maaaring nakasabay mo na sya sa LRT o MRT pero may nakaupo sa pagitan niyong dalawa. May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga taong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, e yung na sayo na pinakawalan mo pa. Madami sila, pero kung hinahanap mo ang nakatakda saýo, wag mong madaliin, maaaring bukas ay makasalubong mo sya sa paglalakad. Bigyan mo ng ngiti, malay mo sya na nga yun.

No comments:

Post a Comment